Connect with us

Partylist System sa bansa, pinabubuwag sa Kongreso

Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na hindi term extension kundi ang maamyendahan ang partylist system sa ilalim ng 1987 Constitution ang isinusulong ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Partylist System sa bansa, pinabubuwag sa Kongreso

Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na hindi term extension kundi ang maamyendahan ang partylist system sa ilalim ng 1987 Constitution ang isinusulong ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Sotto ang paglilinaw kasunod ng mainit na usapin sa Charter Change na binubuhay sa Kamara ngayon at ang mga usap-usapang gusto ni Pangulong Duterte na baguhin ang konstitusyon para maipagpaliban ang 2022 national elections.

Matatandaan na noong buwan ng Disyembre ng inihain ng mga Ally senator ng pangulo na sina Ronald Bato Dela Rosa at Francis Tolentino ang resolusyon na maguutos sa kongreso para magconvene para maamyendahan ang 1987 constituion.

Ayon kay Sotto, sa naging pagpupulong nila ng pangulo kasama ang mga kongresista dalawang buwan na ang nakakaraan ay wala aniyang nabanggit ang pangulo patungkol sa No election o Term Extension pero malaki daw ang pagnanais nitong masolusyunan ang problema ng gobyerno ng CPP-NPA sa tulong ng kongreso.

Matatandaan na sa pagdinig ng Senado patungkol sa red tagging ay pinaninindigan ng Security Sector ng mga dating Kadre at mga grupo ng mga magulang na narecurit ng NPA na ang Makabayan Bloc ay konektado sa CPP-NPA.

Maliban naman sa pagbubuwag ng partylist ay sinabi rin ni Sotto na nais ng pangulo na magpasok ng ammendmenets sa ilang economic provisions.

 

More in National News

Latest News

To Top