Connect with us

Panukalang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, inihain sa kongreso

Inihain ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ang panukalang renewal ng isa pang dalawampu’t limang taong legislative franchise sa ABS-CBN.

National News

Panukalang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, inihain sa kongreso

Inihain ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ang panukalang renewal ng isa pang dalawampu’t limang taong legislative franchise sa ABS-CBN.

Sa kanyang explanatory note, ipinaliwanag ni Santos na ang ABS-CBN ay isa sa pinakamalaking entertainment at media conglomerate sa bansa sa usapin ng revenue, operating income, net income, assets, equity, market capitalization, at bilang ng mga empleyado.

Iginiit ni Santos na kailangang manatili sa kanyang commitment ang ABS-CBN sa napakaraming Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dekalidad na programa.

Matatandaan na hindi binigyan ng bagong prangkisa ng kongreso ang ABS-CBN bago ito mag-expire noong Mayo 4, 2020.

Dahil dito, sa ilalim ng direktiba ng National Telecommunications Commission, tuluyan nang napahinto ang operasyon ng ABS-CBN noong May 5, 2020.

Matatandaan na unang inihain na Senate Bill No. 1967 ni Senate President Vicente Sotto III kung saan layunin nitong mabigyan muli ng bagong pragkisa ang ABS-CBN.

Bagay na sinuportahan naman ng 6 na senador at pumayag na maging co-author ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Panfilo Lacson, Sonny Angara, Nancy Binay, Joel Villanueva, at Sherwin Gatchalian.

Ang ibang senador ay nagpahayag ng suporta para sa nasabing panukala gaya na lamang nila Sen. Ralph Recto, Francis Kiko Pangilinan, Sen. Poe at Sen. Angara, Minority Leader Franklin Drilon.

Sa panayam naman ng SMNI news kay Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, sinabing hindi porke’t nagbago na ng house speaker ay maaari ng balewalain ang mga violation ng Kapamilya network na siyang dahilan ng pagkabasura ng kanilang prangkisa.

Hindi pwedeng baliwalain ang naging masalimuot na pagdinig ng kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Dagdag pa ni Rep. Marcoleta, hindi pa natatapos ang pagtalakay ng lahat ng violations ng broadcasting network.

Maaari naman ang pag-aapply ng bagong batas para sa kanilang franchise renewal pero sa susunod na ito na administrasyon dahil ang 18th congress o ang kasalukuyang kongreso ay matatapos pa sa 2022 at matatandaang ibinasura nila ito dahil sa maraming violations na nakita.

Hindi naman umano importante sa ngayon ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil mas importante ang maisaayos nito ang lahat ng anomalya.

More in National News

Latest News

To Top