panukalang pag-ban POGO Kamara

Panukalang pag-ban sa mga POGO sa bansa, inihain sa Kamara

National News

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang pag-ban at ideklarang iligal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa inihain na panukalang batas na Anti-Pogo Act ni Minority Leader Bienvenido Abante Jr., nakasaad dito ang mahigpit na pagbabawal sa anumang pagtatayo ng offshore gaming facilities sa Pilipinas.

Dapat din aniya na ma-revoke na ang mga lisensya ng mga foreign operators, local gaming agents, POGOs, at service providers.

Hindi rin papayagan ang Department of Labor and Employment na maglabas ng work permit; ang Bureau of Immigration naman ay magiging strikto sa visa o alien employment permit kaugnay sa offshore gaming operations.

Bubuuin din ang Inter-Agency Task Force POGO na magpatutupad ng mga probisyon sa ilalim ng  naturang panukala.

Ilan naman sa dahilan ng pagbabawal ng POGOs sa bansa ay ang pagiging ugat nito ng iba’t ibang kriminalidad. Kabilang na rito ang kidnapping at paglabag sa Anti-Money Laundering.