Connect with us

Panukalang magbibigay ng benepisyo para sa mga OFW, dapat ng isabatas

Kinumpirma ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na inalis na ng Labor Market Regulatory Authority ng Kingdom of Bahrain ang temporary suspension para sa recruitment ng mga Household Service Workers kaya maaari na silang tumanggap muli ng mga domestic workers.

National News

Panukalang magbibigay ng benepisyo para sa mga OFW, dapat ng isabatas

Iginiit ni Senator Grace Poe na kailangan ang mabilisang pagpasa ng panukala para sa pagbibigay ng proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers(OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis.

Ayon kay Poe, kailangang ma-instituionalize ang pagbibigay proteksyon sa mga OFW dahil sa libo libong mga OFW ang tinanggal na sa trabaho at pinauwi na dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng iba’t ibang bansa dahil sa pandemya.

Dagdag pa ni Poe, dahil sa krisis ay nahihirapan na ngayon ang mva OFWs na magkaroon ng access sa heath care, testing at treatment para manatiling ligtas sa sa kanilang pinagtratrabahuhan.

Sa Senate Bill No. 1476 o ang Proposed Act to Further Assist Filipino Migrant Workers ay magbibigay sa mga OFW ng buong reimbursement ng placement fee na may 12% interest per anum maliban pa sa kanilang sahod.

Sa pamamagitan ng panukala ay aamenyendahan ang kasalukuyang batas na kung saan ay maari lamang makatanggap ng three months salary sa bawat taon ng unexpired term.

Sa pamamgitan din ng panukala ay bibigyan ang mga OFW ng bagong skill trainings, re-training programs, livelihood at technology assistance at seminars para sa micro-finance assistance.

More in National News

To Top