Connect with us

Panukalang batas na bubuo ng dam management and regulatory council, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang isang panukalang batas na bubuo ng isang Dam National Management and Regulatory Council para sa mga dam sa bansa.

National News

Panukalang batas na bubuo ng dam management and regulatory council, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang isang panukalang batas na bubuo ng isang Dam National Management and Regulatory Council para sa mga dam sa bansa.

Ito ay kaugnay parin sa naganap na malawakang pagbaha sa Cagayan Valley dahil sa pag-apaw ng tubig baha na mula sa mga dam sa rehiyon.

Batay sa House Bill No. 8016 ni deputy speaker at 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, sakop ng bubuing dam management and regulatory council ang National Irrigation Administration (NIA); National Power Corp. (NAPOCOR); National Water Resources Board (NWRB) at dam operators.

Inaatasan ang nasabing mga ahensya na bumuo ng centralized framework/scheme para mawala ang lahat ng banta ng pag-apaw ng tubig sa mga dam pati na ang pagbuo ng na-aangkop na methodology para sa darating na mga kalamidad.

Sakop din ng framework ang pangangailangan ng mga local government unit para maresolba ang mga problema sa regional at national level sa tuwing nagpapakawala ng tubig sa dam.

Paliwanag ni Deputy Speaker Mikee Romero, “There has always been confusion about the lead agency regarding the dams’ discharge and spillover. The liability of the personnel involved and the chain of command regarding the decision to open the gates, the duration, and the volume of water to be spilled has always been in indeterminate state.”

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong 18 major river basins, 4 na sub basins at 9 na dam.

 

More in National News

Latest News

To Top