Connect with us

Panukalang armasan ang mga bombero, hindi nakalusot sa Senado

Tinutulan ng karamihan ng mga senador ang panukala na armasan ang mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP).

National News

Panukalang armasan ang mga bombero, hindi nakalusot sa Senado

Tinutulan ng karamihan ng mga senador ang panukala na armasan ang mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang panukala ay proposed ammendment sa Senate Bill No. 1832 o ang BFP Modernization Bill.

Batay sa proposed ammendment na inihain ni Sen. Bong Go, ang DILG at PNP ang siyang magbibigay ng pagsasanay para sa mga BFP personnel na humawak ng armas.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na siyang nag-sponsor ng panukala sa plenaryo, ang panukala ay hiniling mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paglilinaw  ni Dela Rosa gusto ng pangulo na kagaya ng PNP at AFP ay makakatulong din ang BFP sa operasyon ng  law enforcement ng bansa.

Ani Sen. Dela Rosa,”His intention was to arm the Bureau of Fire Protection personnel with short firearms. He wanted to make these personnel available to support the law enforcement operations of the PNP and the AFP.”

Sa ilalim pa ng panukala maaring maging substitute ng mga pulis ang mga bombero sa kanilang operasyon.

Layunin din aniya ng panukala na mabigyan ng proteksyon ang mga firefighter.

Paliwanag naman ni Sen. Grace Poe na isa sa mga tumutol sa panukala,  hindi parte ng trabaho o mandato ng mga bombero ang maging pulis.

Mas mainam aniya sa gobyerno na dagdagan ang bilang ng police force na haharap sa hamon ng peace and order sa bansa.

“Hindi po ‘yun ang intensyon ng kanilang trabaho. Hindi po ‘yan ang kanilang mandato. Dagdagan ninyo ang PNP na pwedeng makipagsapalaran sa mga pangangailangan nating domestic na mga hamon,” ang pahayag ni Senador Poe.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na hindi na kailangang isabatas ang panukala.

Redundant na aniya ito dahil nakasaad na sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na ang sinumang indibidwal kasama ang mga bombero ay maaring mag armas basta ito ay kwalipikado.

“His intention was to arm the Bureau of Fire Protection personnel with short firearms. He wanted to make these personnel available to support the law enforcement operations of the PNP and the AFP,” saad naman ni Lacson.

Ipinasa naman ng senado sa ikalawang pagbasa ang BFP Modernization Act of 2020.

More in National News

Latest News

To Top