Panukala para sa paperless transactions sa gobyerno, pinabibilisan na

National News

Pinabibilisan ni Deputy Speaker Lray Villafuerte ang pagpasa sa panukalang batas para sa paperless transaction sa gobyerno.

Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-5 State of the Nation Address nitong ika-27 ng Hulyo.

Ayon kay Villafuerte, napapanahon na para maging contactless at  electronic-based system ang magiging transaksiyon sa lahat ng pamunuan ng gobyerno at maging sa mga kumpanya dahil nagiging carrier ng virus ang mga ginagamit na papel.

Maiiwasan din aniya ang pagkukumpulan o mahabang pila sa gitna ng panganib dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Makakatulong din ang paggamit ng social media upang hindi na lalabas ang mga nakikipatransaksiyon habang patuloy na ipinatutupad ang social distancing sa ilalim ng new normal.

Aniya,”A fully functioning e-government system will flesh out President Duterte’s goal of shifting frontline government services online, while providing the public the convenience of transacting from their homes and expecting services to be delivered as quick as possible.”

“Contactless transactions in Government will also do away with red tape and minimize official corruption”, saad pa nito.

Sa ngayon, naka-pending pa ang House Bill No. 1248 or the proposed E-Government Act para sa centralized electronic based government process sa bansa.