Connect with us

Panukala para baguhin ang partylist system sa bansa, ihahain sa Senado

Nakatakdang ihain ni Senate President Tito Sotto III ang panukala na magaamyenda sa partylist system ng bansa.

National News

Panukala para baguhin ang partylist system sa bansa, ihahain sa Senado

Nakatakdang ihain ni Senate President Tito Sotto III ang panukala na magaamyenda sa partylist system ng bansa.

Ito ay para mapigilan ang sinuman o anumang grupo na nagnanais pabagsakin ang pamahalaan na makakuha ng pwesto sa gobyerno gaya sa nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Lunes naman planong ihain ng Liderato ng Senado ang panukalang maamyendahan ang Partylist System.

Matatandaan na batay sa naging pahayag ni Sotto ay nais ng pangulo na maamyendahan ang konstitusyon para mabuwag o mabago ang umiiral na partylist system sa bansa bilang paraan ng pamahalaan para masolusyunan ang problema sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Sotto, maaring maamyendahan ang partylist system na hindi na kailangan pang galawain ang 1987 Constitution.

Umaasa naman si SP Sotto na susuportahan ng Kamara ang kaniyang panukala lalo pa’t hindi naman tuluyang pagpabubuwag sa partylist system ang laman ng kaniyang ihahaing panukala.

Samantala,sa pangalawa at maaring huling pagdinig ng Senate Committee of the Whole patungkol sa immunization program ng pamahalaan kontra COVID-19 ay nais masagot ng senado ang isa sa mga pinaka mainit na issue.

Ito ay kung talagang ang Sinovac Vaccine mula sa bansang China ang tanging bakunang magiging available  sa mga Pilipino sa loob ng 4 na buwan simula sa darating na buwan ng Pebrero.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III ito ay isang bagay na kailangang mabigyan ng linaw ng National Task Force para mapawi ang kalituhan sa publiko.

Aniya, hindi dapat limitahan ng gobyerno ang iba pang bakuna na maaring maibigay sa mga Pilipino.

Matatandaan na ayon sa National Task Force ay patuloy ang ginagawang negosasyon ng pamahalaan sa iba’t ibang kumpanya para makasecure ng milyon-milyong doses ng bakuna katulad sa Pfizer na kung saan ay maari aniyang makakuha ang bansa ng 40M doses ng bakuna, 40-60 million doses naman sa Gamaleya, 30 million doses sa astrazeneca.

Ang Pamahalaan ay nakapagsecure ng 25 million doses ng bakuna mula Sinovac pero marami sa mga senador ang tila hindi kampante sa COVID-19 vaccine.

Si Sen. Panfilo Ping Lacson naman ay inisa- isa ang mga issueng nakabalot sa Sinovac.

Una, pangalawa raw ito sa pinakamahal na bakuna na nagkakahalaga sa ₱3,629 sa kada dalawang doses ,pangalawa, mayroon itong record ng nasuspending clinical trial, at pangatlo hindi pa ito nakapag-aplay ng EUA sa bansa  at ang mababang efficacy ng bakuna na nasa 50-70%,lamang, mas mainam pa aniya ang SinoPharm na galing ding China na mayroong 79-86% efficacy.

“Can somebody explain why preference is given to the second most expensive vaccine, has lower efficacy, a record of suspended clinical trials and has not even applied for EUA over other vaccines that cost much less, more efficacious and are about to be granted their Emergency Use Authorization (EUAs)?”

Kaugnay nito, naniniwala parin si SP Sotto na magtagumpay ang vaccination road map ng pamahalaan kung walang papaboran ang pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top