Connect with us

Panukala ni Sen. Drilon na gawing krimen ang red-tagging, non-sense – Ka Eric

Shooting down a wrong target.Ganito inilarawan ni Sambayanan National Coordinator at Abante Sambayanan Secretary Jeffrey "Ka Eric" Celis

National News

Panukala ni Sen. Drilon na gawing krimen ang red-tagging, non-sense – Ka Eric

Shooting down a wrong target.

Ganito inilarawan ni Sambayanan National Coordinator at Abante Sambayanan Secretary Jeffrey “Ka Eric” Celis sa panayam ng Sonshine radio ang panukalang inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na 10-year imprisonment para sa mga taong sangkot sa red-tagging.

“Ang napaparalisa ng ganitong proposal nya ay ang gobyerno natin at hindi ang kalaban. Kaya ang tingin namin dito, this is shooting down a wrong target. Wala ito sa hulog at dapat nito’y hindi maka first- base ito eh.”

Ang naturang panukala aniya ay isang hakbang lang para maparalisa ang pamahalaan.

Nakakalungkot aniya ang naturang hakbang ni Sen. Drilon kung saan mas dapat aniyang ginawa ay ang pagpapataw ng parusa sa mga taong kakuntsaba o tagapagtaguyod ng interes ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Nakakalungkot at nakakabahala itong hakbang ni Senator Drilon. Tututulan po namin ito at kung kailangang magharap-harap muli kami sa Kongreso, sa Senado, we will do that and we will tell Senator Drilon na he is shooting down a wrong target at misaligned ang kanyang direksyon.”

Ani Ka Eric, non-sense at very dangerous ang ginawa ni Sen. Drilon dahil nagpapalakas lang ito ng kapabilidad ng kalaban upang ikutan, butasin at gamitin ang batas laban sa pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top