Connect with us

Panukala ni Hontiveros na maparangalan sa Senado si Maria Ressa, tinutulan ng isang senador

Inihain ng minority group sa Senado ang resolusyon para pagkalooban ng Senate medal for excellence si Maria Ressa matapos itong makatanggap ng parangal

National News

Panukala ni Hontiveros na maparangalan sa Senado si Maria Ressa, tinutulan ng isang senador

Inihain ng minority group sa Senado ang resolusyon para pagkalooban ng Senate medal for excellence si Maria Ressa matapos itong makatanggap ng parangal sa Nobel Peace Price.

Ang resolusyon No. 927 ay inihain ni Senator Risa Hontiveros at nilagdaan din nila Senate Minority Leader Franklin Drilon at ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, “Maria Ressa is the first ever Filipino Nobel Peace Prize winner. To purposely ignore this achievement would be to wash away an amazing victory of a Filipina from our history books. This is a chance for the senate as an institution to show that it remains true to its values of free speech and genuine democracy.”

Pero si Senator Bato Dela Rosa diretsahang sinabi na hindi nito susuportahan ang naturang resolusyon.

Binigyang diin naman ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, “I will not support that resolution.”

“Dahil kung ang rason kung bakit siya nabigyan ng award na yan dahil sa kaniyang fight for press freedom mali po hindi po totoo yan,I am not convince na lumaban ka sa press freedom.”

Giit ng senador na ang lahat ng mamahayag sa bansa ay na bibigyan ng kalayaan sa kanilang pamamahayag.

“May nakita ka bang media na nakulong? Meron ka bang nakitang mga news article na galing sa media na sinulsol ng gobyerno? Wala. Free flowing ang media dito sa Pilipinas. Walang curtailment pero merong media na naconvict noon dahil sa cyber libel at ang complainant ay hindi gobyerno kungdi isang private citizen. Curtailment ba yan ng press freedom, yang ganyan?”

Sinabi din nito na dahil sa sobrang kalayaan na tinatamasa ng mga mamahayag ay nagagawa pa ng iba na bastusin ang mismong pangulo ng bansa.

“Walang curtailment ng press freedom dito sa Pilipinas, kaya nga libreng libre siyang (Maria Ressa) magsalita ng sabihin niya laban sa pangulo, bastusin ang pangulo  dahil mayroong press freedom.”

Ang Malacanang sa kabila ng nagpaabot ng pagbati ay iginiit din na hindi isyu ang press freedom sa bansa gaya na rin aniya ng pahayag ng isa sa mga kilalang national artist.

Nilinaw din ni Presidential Sec. Harry Roque, na hindi sampal sa gobyerno ang natanggap na award ni ressa.

“There is no slap there because as everyone knows, no one has ever been censored in the Philippines. You cannot blame congress for not renewing the franchise of ABS-CBN because that is one of their powers. That is not an order emanating from the executive nor is it a matter within the jurisdiction of the executive,” ani Roque.

More in National News

Latest News

To Top