kidnapping incident

Panibagong kidnapping incident sa Binondo, ikinabahala

National News

Nababahala ngayon ang Fil-Chinese community sa umano’y panibagong kidnapping incident sa Chinatown, Binondo sa Maynila noong Sabado, Hunyo 13.

CCTV Footage ng pagdukot sa isang negosyante

PANOORIN | Pagdukot ng 4 na armadong lalaki sa negosyanteng Fil-Chinese Wilson Chua, 63, habang naglalakad sa Gandara at Soler St. Binondo, Maynila alas 4:53 ng hapon noong Lunes.

Posted by DZAR 1026 on Tuesday, 16 June 2020

Nahagip ng CCTV camera ng barangay ang sinasabing pagdukot ng 4 na armadong lalaki sa isang Fil-Chinese na negosyante habang naglalakad sa Gandara at Soler Street sa Binondo bandang 4:53 ng hapon noong Sabado..

Kinilala ng Manila Police District ang dinukot na si Wilson Chua, 63 anyos, isang building contractor.

Isinakay si Chua sa isang silver gray Misubishi Adventure na gumamit ng pekeng plate number.

Natukoy naman ng pulisya kung saan nakarehistro ang naturang sasakyan.

“Request to Land Transportation Office (LTO Main office) along East Avenue Quezon City, regarding the ownership of One (1) unit of Mitsubishi Adventure color silver gray with conduction Sticker no. EG4977, revealed said conduction sticker is registered to One (1) Unit of Kia Picanto Hatch Back Model 2016 color Cherry Pink owned by JAYKE M CABUCOS, residing at no. 0190 Nivels Hills Busay Poblacion Cebu City.” bahagi ng MPD police report.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD, walang naiulat na nakaaway o posibleng may galit kay Chua maliban sa mayroong reklamo ito sa Security Bank kaugnay sa credit cards.

Sa ngayon, hindi pa rin natutukoy kung sino ang mga suspek ng naturang kidnapping incident.

Nakikipag-ugnayan na ang MPD sa Anti-Kidnapping Group para matunton ang mga suspek.

“Acting on the matter the undersigned exerted effort to determine the truth pertaining thereto and conducted continuous follow-up investigation with the guidance and supervision of the District Director MPD.” dagdag sa police report ng MPD.

Ulat ni Ruel So