Connect with us

Panibagong gamot para sa Alzheimer’s disease, inaprubahan ng Estados Unidos

Panibagong gamot para sa Alzheimer's disease, inaprubahan ng Estados Unidos

International News

Panibagong gamot para sa Alzheimer’s disease, inaprubahan ng Estados Unidos

Makalipas ang halos 20 taon, inaprubahan na ng Estados Unidos ang gamot na Aducanumab – ang panibagong gamot para sa sakit na Alzheimer’s.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) malaki ang ebidensiya na nakatutulong ang naturang gamot sa sakit sa pagkalimot.

Matatandaan na noong Marso 2019, tila walang epekto ang naturang gamot sa 300 pasyente nito kaya inalis ng U.S manufacturer Biogen ang datos nito.

Napag-alaman na epektibo ang naturang gamot kung tataasan ang ibinibigay na doses sa mga pasyente.

Tinatarget ng gamot ang amyloid beta plaques na isang protein na nakapipinsala sa selula ng tao at nagtitrigger ng dementia sa mga nagkakasakit sa Alzheimer’s disease, nakadadagdag ito sa problema ng pasyente sa pag-alala at pag-iisip, problema sa komunikasyon at pagkalito.

More in International News

Latest News

To Top