Connect with us

Panibagong disqualification case, inihain laban kay Bongbong Marcos

Panibagong disqualification case, inihain laban kay Bongbong Marcos

National News

Panibagong disqualification case, inihain laban kay Bongbong Marcos

Isa na namang disqualification case ang inihain laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos Jr., sa Comelec.

Inihain ang panibagong disqualification case ng isang grupo ng mga petitioner na kinabibilangan ng mga miyembro ng Akbayan at martial law survivors.

Tulad ng mga naunang kaso na isinampa para mapawalang-bisa ang presidential bid ni Marcos, ang pinakahuling disqualification case ay nagsasaad na ang dating senador ay pinagbawalan na sa public office bilang resulta ng kanyang 1995 conviction dahil sa hindi paghahain ng income tax returns.

Ang pinakabagong petisyon ang ika-pitong inihain laban sa presidential bid ni Marcos.

Samantala, ayon naman sa spokesperson at chief of staff ni Bongbong Marcos, ang mga kasong isinampa at isasampa ay bahagi lamang ng patuloy na pang-aapi kay BBM.

Puro negatibo din aniya ang pananaw sa kanilang buhay at ayaw nilang umusad ang bansa.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top