Connect with us

Panibagong akusasyon laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, pawang kasinungalingan

Panibagong akusasyon laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, pawang kasinungalingan

National News

Panibagong akusasyon laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, pawang kasinungalingan

Isa na namang pagtatangka para pabagsakin at sirain si Pastor Apollo C. Quiboloy at ang pamunuan ng The Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name ang panibago ngunit lumang akusasyon na ibinabato sa mga ito sa Estados Unidos

Ito ang pahayag na inilabas ng Legal Counsel ng KJC kasunod ng muling paglitaw at pagbuhay sa mga kasong child abuse at trafficking laban sa butihing Pastor at sa ilang Kingdom leaders na naka-base ngayon sa Amerika.

May be an image of text

Ayon sa KJC Legal Team, nagsimula ang ministry ng The Kingdom of Jesus Christ noong 1985 na mayroong 15 miyembro lamang. At dahil pinagpala ito ng Panginoon kasama na ang kahanga-hangang pamumuno dito ni Pastor Apollo kaya lumago ito hanggang sa naabot ang kasalukuyang estado sa paglipas ng maraming taon.

Kung saan milyon-milyong katao ang naging tagasunod ng Kaharian at milyon-milyong kabataan rin ang natulungan, kinalinga at nabigyan ng pagmamahal ng Panginoon.

Ngunit sa gitna ng patuloy na pagyabong ng Kingdom at pagdami ng mga tagasunod nito, ay siya ring paglago ng oposisyon na nagnanais na sirain at pabagsakin ang Kaharian at ang lahat ng mga lider nito lalo na si Pastor Apollo.

Gayunman, sa kabila ng walang katapusang inggit at kasamaan, naniniwala ang KJC Legal Counsel na paulit-ulit na matatalo ng kabutihan ang kasamaan.

Napag-alaman rin na ang mga taong nasa likod ng akusasyon ngayon sa California ay ang mga naghabla rin kay Pastor Apollo sa Hawaii na hindi nagtagumpay dahil na-dismissed ang kanilang isinampang kaso dahil sa kawalan ng basehan at ebidensya.

Giit pa ng mga abogado ni Pastor Apollo, may mga taong nais patahimikin ang butihing Pastor, ngunit naniniwala silang walang makapagpapabagsak sa ministeryo o sa paglilingkod nito sa Panginoon.

Ito ay dahil nanatiling tapat ang buong Bansang Kaharian na itaguyod ang kanilang misyon lalo na sa ispirituwal na aspeto hanggang sa katapusan.

Nakahanda naman ang KJC Legal Counsel na harapin ang mga akusasyong ibinabato kay Pastor Quiboloy at sa mga Kingdom leaders.

Tiwala ang mga abogado ng KJC sa proseso ng hustisya at nakatitiyak na mananaig ang katotohanan at sa halip na bumagsak ay mas lalo pang lalago ang ministeryo ng Kaharian.

-END

More in National News

Latest News

To Top