Connect with us

Panibagong 1.5 M dosis ng Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Lumapag kaninang 7:16  ng umaga sa bay 49 ng ( NAIA) ang  Cebu Pacific Flight  5J671 na lulan  ang nasa 1.5 milyong dosis ng Sinovac vaccine

National News

Panibagong 1.5 M dosis ng Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

Lumapag kaninang 7:16  ng umaga sa bay 49 ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA) ang  Cebu Pacific Flight  5J671 na lulan  ang nasa 1.5 milyong dosis ng Sinovac vaccine ngayong araw, June 17.

Ang mga naturang bakuna ay sinalubong nina  Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III.

500K dito ay binili ng federation of Filipino Chinese chambers of Commerce & Industry.

Ito na ang ika-10 shipment ng bakuna ng Chinese manufacturer Sinovac biotech sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, umabot na sa 14,114,610-M ang mga bakuna kontra COVID -19 ang dumating na sa Pilipinas.

Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga bakunang dumating ngayong araw ay idedeploy sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine(MECQ).

Karamihan sa mga areas na nasa MECQ ay nasa bahagi ng Mindanao

Nilinaw din ng kalihim kaya mas maraming bakuna ang ibinigay sa NCR plus noong nakaraan dahil sa mataas na kaso ng COVID -19 .

Asahan din aniya ang iba pang mga lugar sa bansa na may mataas na kaso ang makatatanggap ng mga naturang bakuna.

Inihatid ang mga bakuna sa cold storage facility ng Pharmaserv Express, Inc. sa Marikina City bago ipamahagi sa mga Local Government Unit (LGU).

 

More in National News

Latest News

To Top