Pangungutang ng gobyerno, hindi solusyon sa pondo kontra COVID-19 – political analyst

Pangungutang ng gobyerno, hindi solusyon sa pondo kontra COVID-19 – political analyst

National News

Hindi solusyon ang pangungutang ng gobyerno upang makakalap ng pondo kontra COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Political Analyst Prof. Jean Encinas-Franco mula sa University of the Philippines ay may iba pa aniyang pamamaraan na legal, maayos at makatwiran na hindi mababaon sa utang ang gobyerno.

Jean S. Encinas Franco – Department of Political Science ...

Maliban sa pangungutang ay hindi rin umano solusyon ang pagbebenta ng property o assets ng gobyerno.

Bagama’t hindi nagsaad ng direktang solusyon ay sinabi ng propesor na kinakailangan lamang na pag-aralan ang national budget ng bansa upang malaman kung paano mas makatitipid ang pamahalaan nang hindi nakokompromiso ang serbisyo sa gitna ng pandemya.

Dagdag ni Franco, kung sakali man na mangungutang ang gobyerno ay kinakailangan din na ipaliwanag ng mabuti sa publiko kung paano at saan gagamitin ang uutangin na pondo.

Aniya ay aasahan ng taong bayan ang ilalahad na COVID-19 response ng pangulo para sa natitirang dalawang taon ng termino nito.