Connect with us

Pangunahing suspek sa pagpatay kay Rep. Batocabe, nakalaya

Baldo

National News

Pangunahing suspek sa pagpatay kay Rep. Batocabe, nakalaya

NAKALABAS na ng kulungan si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Ito ay matapos payagan ng korte sa Legazpi City na magpiyansa ng P3M ang alkalde para sa pansamantalang kalayaan.

Kahapon nang makalabas ng kulungan si Baldo at dumiretso ito sa kanyang opisina sa Daraga.

Gayunman, binigyan ng kondisyon ni Legazpi City RTC Branch 10 Judge Maria Theresa Loquillano si Baldo.

Aniya, puwede itong magkampanya sa kanyang pagtakbo bilang alkalde.

Pero binawalang banggitin sa mga pagsasalita ang hinggil sa kanyang kaso lalo na sa media.

Regular din itong pinagrereport sa pulis at humarap sa korte sa mga pagdinig sa kaniyang kaso.

DZAR 1026

More in National News

Latest News

To Top