Connect with us

Pangulong Duterte, tinawag na sinungaling si VP Robredo kaugnay ng #NasaanAngPangulo

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinungaling si Vice President Leni Robredo dahil sa pagpapakalat na wala siya noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

National News

Pangulong Duterte, tinawag na sinungaling si VP Robredo kaugnay ng #NasaanAngPangulo

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinungaling si Vice President Leni Robredo dahil sa pagpapakalat na wala siya noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Si Robredo ang pinag-iisipan ng presidente na may pakana ng pagkalat ng hashtag #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng pagtama ng nagdaang bagyong Rolly at Ulysses.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan, huwag aniyang makipag-kumpetensya o makipagbanggaan si Robredo sa kanya dahil wala aniyang nagawa ang bise presidente.

Paliwanag ng pangulo, dumalo siya sa virtual conference ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN summit at hindi totoong tulog siya habang nananalasa ang bagyo.

“And then you lied, you were not honest…..Kaya ako lumipad ako sa Bicol, inunahan mo pa ako kunwari. But do not compete with me and do not start a quarrel with me,” ang naging pahayag ni Pangulong Duterte.

Sinabihan din ni Pangulong Duterte si Robredo na huwag magbigay ng utos sa militar at huwag tangkaing magpakabayani.

Sambit pa ng pangulo kay Robredo, hindi rin ito karapat-dapat maging presidente dahil mahina ito.

Samantala, idineklara ni Pangulong Duterte ang pagsasailalim sa State of calamity sa buong Luzon.

Ito ay makaraan ang matinding pinsala dulot ng sunud-sunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses na tumama sa malaking bahagi ng Luzon.

Napirmahan na ng pangulo ang nasabing mga papeles na naglalagay sa state of calamity sa buong Luzon.

Sa ilalim ng deklarasyon, magagamit ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang quick response fund para sa pagtugon sa mga nasalanta ng bagyo.

Una rito, inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang deklarasyon ng state of calamity sa Luzon dahil sa matinding pinsala ng mga nagdaang kalamidad.

Kaugnay nito, nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng matitibay na evacuation centers sa buong bansa para sa mga taong lumilikas sa panahon ng kalamidad.

Humingi naman ang punong-ehekutibo sa Kongreso ng dagdag na pondo para sa pagtatayo ng evacuation centers.

 

More in National News

Latest News

To Top