Connect with us

Pangulong Duterte, tinawag na punch-drunk si Sen. Manny Pacquiao

Opisyal ng inanunsyo ni Manny Pacquiao ang kanyang pagretiro sa boxing upang paghandaan ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

National News

Pangulong Duterte, tinawag na punch-drunk si Sen. Manny Pacquiao

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na punch-drunk dahil hindi nito alam ang kanyang pinagsasabi.

Sa Talk to the People Address ni Pangulong Duterte kagabi, ika-12 ng Hulyo, sinabi ng pangulo na napaka-imposible ang ibinabatong akusasyon ni Pacquiao na may nawawalang ₱10 bilyon sa pamahalaan dahil sa korupsiyon.

Ani Pangulo, “Mga kaibigan ko, huwag kayong maniwala niyan 10 billion mawala. That is the work of… I have a term for that, it is not mine, I just borrowed it, but I think Pacquiao is punch-drunk, punch-drunk. And I leave it up to you. Mayroon man kayong cellphone, hanapin ninyo.”

” I think he is. To be talking about 10 billion from nowhere. Papayag ba naman ang COA niyan? At hindi lang ‘yan, papayag ba kami? Papayag ba ang mga secretary ng mga departamento na papayag na ganoon na may mawala, 10 billion? That is a statement coming from a guy who is punch, suntok ba, punch-drunk, lasing. Look it up sa ano ninyo, makita ninyo sa cellphone ninyo. Diyan sa internet diyan eh.”

Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na patuloy nilang tina-trabaho ang paglilinis sa mga tiwali sa ilang ahensiya ng gobyerno.

“But I — this week, I signed about two documents terminating — sa BIR na naman pati sa DPWH. And DPWH is safe. Secretary Villar is working overtime at pinagtatanggal niya, at my suggestion, na kunin niya ‘yung mga tao na known to be corrupt and incorrigible. Sabi ko sa kanya, “Ilagay mo na lang muna sa opisina while we will dig into the records to see if they have committed graft and corruption.”

Ito ang naging reaksiyon ni Pangulong Duterte matapos sabihin ni Pacquiao na mas kurap ang Duterte Admin kumpara sa mga nagdaang administrasyon ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang naipapakita ang senador na ebidensiya hinggil dito.

Una namang sinabi ni Pangulong Duterte sa mga babangiting ahensiya na makipag-cooperate ng 100% sa gagawing imbestigayon laban sa katiwalian.

More in National News

Latest News

To Top