Nanawagan sa mga leaser

Pangulong Duterte, suportado ang pagtatayo ng sports academy

National News Sports

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng National Academy for Sports (NAS) sa bansa upang makagawa ng mas maraming world-class talents sa iba’t ibang larangan ng sports.

Inihayag ng pangulo ang kanyang suporta sa naturang panukala sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA).

Sa ilalim ng panukala, itatayo sa New Clark City sa Tarlac ang naging NAS na naging venue ng sea games noong nakaraang taon, at magbibigay ng secondary education program na may curriculum para mapabuti pa ang performance ng mga estudyante sa larangan ng palakasan.

Magkakaroon ito ng mga pasilidad, housing at iba pang amenities na magiging kapantay ng international standards.

Binigyang puri din ni Pangulong Duterte ang mga manlalarong Pinoy na nagbigay ng karangalan noong nakaraang taon sa idinaos na sea games kung saan itinanghal na overall champion ang bansa na nakapag-uwi ng 149 gold medals.