Connect with us

Pangulong Duterte , nasa maayos na kalagayan – Sen. Go

Sa kabila ng pagpositibo sa COVID-19 ng ilang miyembro ng (PSG) at ilang Cabinet Secretary ay tiniyak ni Senator  Christopher "Bong" Go

National News

Pangulong Duterte , nasa maayos na kalagayan – Sen. Go

Sa kabila ng pagpositibo sa COVID-19 ng ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at ilang Cabinet Secretary ay tiniyak ni Senator  Christopher “Bong” Go na  maayos ang  kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Sen. Go na regular naman ang swab test sa pangulo para masiguro ang kaligtasan nito mula sa COVID-19.

Tumanggi naman ang senador na tukuyin kung ilan ang nagpositibong tauhan ng PSG para na din sa kapakanan ng pangulo.

Sinabi naman ni PSG Chief Durante na ang mga nagpositibo ay hindi naman direkta o bahagi ng  close in security ng Presidente.

Hindi rin aniya malubha ang kalagayan ng mga ito na kasalukuyan ay asymptomatic naman.

Nilinaw naman ni Go na gusto ng pangulo na lumabas ngayon para makapag-ikot sa ilang  bahagi ng bansa pero hindi ito pinapayagan ng pagkakataon lalo pa at naisailalim uli sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) at apat na karatig-lalawigan.

Sa ngayon aniya ay nananatili ang pangulo sa kanyang official residence sa Malakanyang.

More in National News

Latest News

To Top