Connect with us

Pangulong Duterte, nanunukso lamang ng sabihing tatakbo bilang VP para magkaroon ng immunity

Inihayag ni Senator "Koko" Pimentel III na nanunukso lamang si Pang. Rodrigo Duterte ng sabihin nito na tatakbo ito sa pagkabise presidente para makaiwas sa kaso.

National News

Pangulong Duterte, nanunukso lamang ng sabihing tatakbo bilang VP para magkaroon ng immunity

Inihayag ni Senator “Koko” Pimentel III na nanunukso lamang si Pang. Rodrigo Duterte ng sabihin nito na tatakbo ito sa pagkabise presidente para makaiwas sa kaso.

Ayon kay Pimentel, abogado ang Pangulo at alam nito na walang immunity ang bise presidente gaya ng nasasaad sa 1987 PH Constitution.

Paglalahad pa ng senador na gusto lamang ng Pangulo na makita ang ang reaksyon ng publiko lalo na ang mga abogado ng ginawa niya ang pahayag.

Sa oathtaking ng mga bagong PDP Officials noong July 17,  ay sinabi ng Pangulo na tatakbo ito sa pagkabise presidente para magkaroon ng immunity kung patuloy siyang tatakutin ng mga kritiko sa pagsasampa ng criminal charges laban sa kaniya.

More in National News

Latest News

To Top