Connect with us

Pangulong Duterte, nanawagan ng pantay-pantay na access sa COVID-19 vaccine

Nanawagan ng pantay-pantay na access sa COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Pangulong Duterte, nanawagan ng pantay-pantay na access sa COVID-19 vaccine

Nanawagan ng pantay-pantay na access sa COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa United Nation General Assembly’s General Debate.

“The world is in a race to find a safe and effective vaccine. When the world finds that vaccine, access to it must not be denied nor withheld. It should be made available to all, rich and poor nations alike, as a matter of policy.”

Giit ng pangulo, ang pandemyang ito ang pinaka-mahirap na pagsubok na naranasan ng mundo at ng united nation simula noong World War II.

Matatandaang, noong buwan ng Hulyo, sumali ang Pilipinas sa COVID-19 vaccine global access o covax.

Layunin nito na magkaroon ng pantay-pantay na access ang mga kalahok ng bansa sa mga available na bakuna sa taong 2021.

Pinasalamatan naman ni Pang. Duterte ang UN sa pondong binigay nito sa mga bansa.

Welcome naman para kay Pangulong Duterte ang UN COVID-19 response and recovery fund na makatutulong sa bansa.

VP Robredo, sinabing kayang malabanan ang COVID-19 kahit walang bakuna

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na aabot sa 19 na bansa ang naging matagumpay sa laban kontra COVID-19 kahit wala pang bakuna.

Ang mga bansang ito ay Taiwan, Thailand, Vietnam, Laos, China, Myanmar, Malaysia, New Zealand, Uganda, Togo, Pakistan, Latvia, Luxembourg, Uruguay, South Korea, Finland, Cuba, at Rwanda.

Ani Robredo ang pag-aaral na ito ay inilathala ng isang medical journal.

Matatandaang, binuweltahan ni Pangulong Duterte si Robredo matapos magkomento nito na dapat mas mainam pa ang ginawa ng gobyerno sa laban kontra COVID-19.

Bukod pa rito, nagkomento rin ngayon si Robredo na dapat magkaroon na lamang ng periodic assessments kaysa aniya sa pagpapalawig pa hanggang sa susunod na taon ang state of calamity.

Bagay na sinagot ng Malakanyang na ito ay ginagawa na nang regular ng Malakanyang.

More in National News

To Top