Connect with us

Pangulong Duterte kay VP Robredo, “Huwag na ninyong palakihin ang problema”

Makailang ulit na pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo matapos ang mga pahayag nito na pawang kontra sa naging pagtugon ng administrasyon sa COVID-19 pandemic.

National News

Pangulong Duterte kay VP Robredo, “Huwag na ninyong palakihin ang problema”

Makailang ulit na pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo matapos ang mga pahayag nito na pawang kontra sa naging pagtugon ng administrasyon sa COVID-19 pandemic.

Mababatid na walang-habas sa pagpuna si Robredo sa halos lahat ng mga aksyon at mga programa ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 crisis.

Sa isang public address na ginanap sa Davao City, binanatan ng pangulo si Robredo at sinabihang huwag nang palakihin ang problema ng bansa sa pamamagitan ng mga iresponsable at walang kabuluhang mga pahayag na nagpapahiwatig na walang ginagawa ang pamahalaan sa gitna ng pandemya.

” It’s COVID-19 equals vaccine. Huwag na ninyong palakihin ang problema. Do not add something to pandemic by making such reckless statement that we are not doing enough.”

Sinabi pa ng punong ehekutibo na huwag na sanang dayain pa ng mga dilawan ang publiko at papaniwalaing hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno ngayong pandemya.

“Kagaya ng mga dilawan, miski anong sabihin mo. Hindi mo gawin ay masama ka. Kung gawin mo, masama ka pa rin,” sabi ng pangulo.

Dagdag pa nito, “Huwag kayong maniwala riyan sa dilawan. I hate to mention her name, pero itong si Leni kung ano-anong pinagsasabi.”

“Do not delude the people na bobolahin na we’re not doing enough….para idiin itong administrasyon.”

Tanong pa ni Pangulong Duterte sa mga kritiko, “Ano pa bang enough ang gusto niyo? May ospital, may kama, at may punerarya. Nandiyan ang lahat. Ano pa ba ang gusto niyo?

Binigyang-diin pa nito na ginagawa ng gobyerno ang tungkulin at gampanin nito sa bayan.

Kaugnay nito, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na patuloy silang nag-iikot kasama ang National Task Force (NTF) para imonitor ang kalagayan ng bawat lugar pagdating sa COVID-19 cases.

” Ang ginagawa namin sa National Task Force, kami ni Sec. Galvez umiikot kami. Pumunta kami sa Gen. Santos City, kasi tumataas ‘yung case doon dahil sa fishport.”

Inihayag naman ni NTF against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na patuloy ding pinalalakas ng mga alkalde ng Metro Manila ang COVID-19 testing, contact tracing, at pagdagdag ng isolation facilities sa kani-kanilang lokalidad.

Ani Galvez, aabot sa 320,000 ang naisasailalim sa COVID 19 test sa Metro Manila.

Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon mayroon nang 25,767 contact tracing teams. Ang contact tracers ay nasa 227,648.

Pinasalamatan naman ng pangulo ang tulong ng kanyang gabinete sa pagtugon sa matinding dagok na kinakaharap ngayon ng bansa dulot ng COVID-19.

 

 

 

More in National News

To Top