Connect with us

Pangulong Duterte, hindi payag na isailalim sa MGCQ ang bansa

Hindi inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang bansa sa Marso.

National News

Pangulong Duterte, hindi payag na isailalim sa MGCQ ang bansa

Hindi inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang bansa sa Marso.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “President Rodrigo Roa Duterte gave his directive to the Cabinet that the Philippines would not be placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) unless there is a rollout of vaccines.”

“The Chief Executive recognizes the importance of re-opening the economy and its impact on people’s livelihoods. However, the President gives higher premium to public health and safety. PRRD also wants vaccination to start the soonest possible time in order to ease the community quarantine.”

Ayon sa pangulo, “no vaccine roll out, no MGCQ muna”

Hindi rin aniya  napapanahon para isailalim sa  MGCQ ang bansa.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na hindi pa niya pinapayagan ang face to face classes dahil hindi niya kakayanin kung may hindi magandang maaaring.

Inaasahan naman ng pangulo na mauunawaan ng tagapamahala ng ekonomiya at ilang sector sa pamahalaan ang kanyang desisyon.

Maaalala na iminungkahi ng NEDA na isailalim sa MGCQ ang bansa upang mabuksan ang ekonomiya na kasalukuyang nakalugmok dahil sa banta ng COVID-19 sa buong mundo.

Samantala, una namang inisa-isa ng Palasyo ang mga factor kung bakit nais ng Inter Agency Task Force na luwagan na sa MGCQ ang buong bansa simula sa buwan ng Marso.

Sa isang pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na unang una rito, sapat ang bed capacity o mga kama para sa mga pasyente ng COVID 19.

Pangalawa sa kadahilanan,  ayon sa kalihim, matutuloy na ang pagbabakuna kung saan maaaring mauuna sa hanay ang economic frontliners at mga mahihirap kapag ito ay maaprubahan ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) batay sa resulta ng kanilang pulong ngayong araw.

Pangatlo naman, sabi ni Roque, ang factor na isina-alang-alang sa rekomendasyong MGCQ, ay upang tugunan ang dumaraming bilang ng mga nagugutom sa bansa.

“Dahil po rito at dahil nakita natin na nagpapatupad ang mga Pilipino ng mask, hugas, iwas, kaya po nagkaroon ng rekomendasyon na buksan na natin iyong 95% ng ating ekonomiya dahil napakadami po talagang nagugutom na,” ang pahayag ng kalihim.

More in National News

Latest News

To Top