Connect with us

Pangulong Duterte, hindi isinusuko ang WPS – dating speaker Alan Peter Cayetano

Naniniwala si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi bibitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang claim ng Pilipinas sa agawan ng teritoryo sa wps.

National News

Pangulong Duterte, hindi isinusuko ang WPS – dating speaker Alan Peter Cayetano

Naniniwala si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi bibitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang claim ng Pilipinas sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Cayetano na dating Foreign Affairs Secretary mula 2017-2018, malinaw ang stand ng Pangulo na hindi inaabandona ang claim ng bansa.

Diin ni Cayetano, non-aggressive style of negotiation ang ginagawa ng Pangulo sa China kumpara sa ginawang pakikitungo ng nagdaang administrasyon.

“Unang-una, gusto kong linawin: malinaw ang stand ng Pangulo na not a single inch of Philippine territory or not a single peso worth of sovereign right ay igi-give up natin sa Malaysia man, sa Vietnam, or sa China,” ani Cayetano.

Giit ni Cayetano, ang non-confrontational attitude ng Pangulo laban sa China ang siyang pumipigil na mawala ang buong claim ng Pilipinas sa WPS.

“Kumbaga, kung pinag-aagawan natin ang isang kotse, ‘yung isa ang style niya ay makipagsigawan, pero nakuha n’ung China ‘yung kotse. Kay Pangulo (Duterte) naman, usap tayo nang usap pero walang nawala po sa atin,” punto pa ni Cayetano.

“So kumbaga parang mas siga sila (previous administration) kasi sigawan ang gusto nila. Kaya lang, maling strategy, kasi nawawala sa atin eh,” diin ng kongresista.

Nanawagan naman si Cayetano sa taumbayan na pag-aralan ang isyu sa West Philippine Sea sa halip na pagbintangan ng kung ano-ano ang Pangulo ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top