pangulong duterte

Pangulong Duterte, buo pa rin ang tiwala kay Duque

National News

Kampante si Pangulong Rodrigo Duterte na masasagot ni Health Secretary Francisco Duque III ang lahat ng mga alegasyon laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan kasalukuyang buo pa rin aniya ang tiwala ng presidente sa kalihim sa kabila ng kaliwa’t-kanang mga isyung kinahaharap nito.

Una rito, inihayag ng Malakanyang na iginagalang nila ang imbestigasyon ng Ombudsman lalo pa’t isa itong independent constitutional body kaya’t nararapat lamang na hayaan nilang gumulong ang proseso nito.

Kung maalala, ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires na imbestigahan si Health Secretary Duque at iba pang opisyal ng Department of Health(DOH) kasunod ng alegasyon ng mga iregularidad sa COVID-19 response ng kanilang opisina.