Connect with us

Pangulong Duterte, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Linggo ng gabi sa Central Headquarters ng The Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

National News

Pangulong Duterte, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Linggo ng gabi sa Central Headquarters ng The Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Kasama rin nito si Senador Christoper “Bong” Go.

Ilan sa napag-usapan nina Pastor Apollo at Pangulong Duterte ay ang mga mahahalagang bagay at napapanahong isyu sa loob ng bansa.

Bukod sa pagiging matalik na magkaibigan ni Pangulong Duterte ay si Pastor Apollo din ang spiritual adviser nito.

Samantala, patuloy naman ang dasal at panalangin ng butihing  Pastor sa pangulo na mabigyan pa ng karagdagang kaalaman at kalakasan sa pagpapatakbo at pamumuno sa Pilipinas lalong-lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

Pahayag ng butihing pastor, ” Marami kaming napag-usapan, mga importanteng bagay, about sa ating bansa, about sa darating na mga panahon, about sa kinakaharap nating problema, iyong pandemya at marami pang ibang mga importanteng bagay.

Dumadalangin tayo na lalo pang pagpalain ang ating Pangulo sa kanyang pamumuno dahil mabigat ang kanyang trabaho, pero nakikita ko na kaya naman niya,”

“Nakita nga natin kung paano umusbong ang ating bansa sa kanyang pamamahala. So iyan ay isang bagay na nobody can take away from the record, sterling record of our President Rody Duterte. So, it was a nice conversation, nice evening, and we talked over many things, we talked many things over dinner at sa mga susunod pang panahon ay baka masabi ko iyong ibang pinag-usapan namin, very important things.

Sinabi pa ng Butihing Pastor na magkakaroon ng talk to the nation ang si Pangulong Duterte sa SMNI Worldwide Studios sa Davao City sa ika-7 ng Hunyo, 2021.

“So magandang talakayan ito, at kung mayroon kayong mga tanong, kung ano man, open yan sa publiko, pwede kayong magtanong at parang open forum para sa kanya (Pres. Duterte) sa pulso ng bayan,” saad ni Pastor Apollo.

Nagpasalamat din ang butihing Pastor sa mga taga subaybay nito sa Youtube, mga subscribers at lahat ng mga sumusubaybay ng iba pa nitong programa lalo na sa mga usaping pang bayan.

Aniya, ” Mahal natin lahat ang ating bansang Pilipinas kaya idalangin po nating maigi ang ating Presidente na magampanan niya ang kanyang mga katungkulan, ang kanyang mga tungkulin na pinangako niya noong eleksyon ay ginanap talaga niya, wala siyang iniwan diyan. Nakita ko na talagang pasan niya ang bigat ng responsibilidad ng ating bansa para sa ating ikauunlad. For the convenience of the Filipino people and he is doing a great job. Bless the President.”

Ito na ang ikalawang pagkikita ni Pastor Apollo at Pangulong Duterte simula ng tumama ang pandemya sa Pilipinas nitong 2020.

More in National News

Latest News

To Top