health records duterte ibinasura

Pangulong Duterte bibili ng mga radyo para sa pagbubukas ng klase

National News

Planong bibili ng radyo si Pangulong Rodrigo Duterte upang maibigay sa lahat ng mga barangay para mabigyan ng komunikasyon ang mga mahihirap na estudyante sa kanilang mga guro.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kasunod ng nakatakdang pagbubukas ng klase ngayong taon.

Nagpahiwatig si Pangulong Duterte ng pagkabahala sa sitwasyon ng mga mahihirap na estudyante na walang magagamit na mga TV, radyo, o cellphone para sa gagawing blended o distance learning ng Department of Education (DepEd).

Kinokunsidera naman ng pangulo na bumili ng mga transistor radio sabay paghingi ng panahon ng hanggang sa katapusan ng linggong ito.

Bagama’t aminado ang pangulo na nauubos na ang pondo ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 crisis ipinunto nito na gagawa ang pamahalaan ng paraan upang makahanap ng pondo para dito.