Connect with us

Pangangasiwa ng pamahalaan sa COVID situation sa bansa, maayos na natutugunan – FDA

Pangangasiwa ng pamahalaan sa COVID situation sa bansa, maayos na natutugunan - Domingo

National News

Pangangasiwa ng pamahalaan sa COVID situation sa bansa, maayos na natutugunan – FDA

Maganda ang pangangasiwa ng pamahalaan sa COVID-19 cases sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo sa press briefing sa Malakanyang.

Ani Domingo, napakababa ng mortality rate ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan mas mababa pa sa 1.5%.

Ito, aniya ang isa sa pinakamababang naitala sa buong mundo.

“This is actually one of the lowest sa buong mundo ‘no. So maganda po ang manage natin ng cases.

Sa kabilang banda, aminado ang FDA na talagang limitado ang gamot ngayon para sa severe cases.

“Sa ngayon, talagang for severe cases, very limited po ang gamot na ginagamit sa buong mundo – itong mga Remdesivir, Tocilizumab. Ang mga bago po nating gamot ngayon na pumapasok, iyong mga Molnupiravir, [garbled] are given to mild cases – mild to moderate in the hope of preventing severe cases. So good news po ‘yan. “

Samantala, Ipinaliwanag naman ni Domingo kung bakit mataas minsan ang report of deaths.

Aniya ito ay mga backlog na nakumpirma lamang ngayon.

“Pero kaya lang po siguro napapansin ninyo ngayon medyo mataas minsan iyong mga deaths na niri-report, kasi marami dito – alam po ni Sec. Karlo ‘to – mga backlogs, mga ngayon lamang naku-confirm kaya po ngayon niri-report. Hindi po ibig sabihin na namatay po iyan within the last few days ‘no. Maaari pong dati pa ‘yan pero ngayon lang po kasi niri-report at nabibilang.”

Kaugnay nito, sinabi ni acting presidential spokesperson at cabinet secretary Karlo Nograles na palaging pinag-uusapan ng Inter Agency Task Force ang mga numero at mga datos na may kinalaman sa sitwasyon ng COVID cases sa bansa.

“Nakikita ng IATF na 9 out of 10 na mga COVID cases na nasa hospital po ay hindi pa bakunado”, ani Nograles.

Kaya binibigyang diin ni Nograles ang kahalagahan na kumpletong makakuha ng bakuna.

“Lalung-lalo na aniya ng mga senior citizen, at mga immunocompromised na kailangang protektahan laban sa COVID-19”, dagdag pa nito.

“Kaya number one kailangan po na fully vaccinated sila at pangalawa po para sa booster shots or additional shots ay kabilang na rin po sila dito sa patakaran natin ng pagbu-booster at additional shots.”

Mababatid na nagsimula na kahapon, Nobyembre 22 ang rollout ng booster shots sa A2 o mga senior citizens at additional shots para naman sa A3 o iyong may mga immunocompromised.

Kasama sa A3 o mga immunocompromised ay ang mayroon immunodeficiency state, may HIV virus, active cancer o malignancy, transplant recipients, at mga pasyenteng nasa immunosuppressives.

Paalala lamang ng malakanyang, hindi pa  nirirekomenda ang additional o booster doses ng covid 19 vaccine sa general population.

More in National News

Latest News

To Top