Connect with us

Pangakong ‘long and lasting peace’ ng Duterte admin sa bansa, malapit nang makamtan – Pastor ACQ

Isa sa mga isinusulong na reporma ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagpapaigting ng pagpapatupad ng katahimikan at kaayusan sa bansa.

National News

Pangakong ‘long and lasting peace’ ng Duterte admin sa bansa, malapit nang makamtan – Pastor ACQ

Isa sa mga isinusulong na reporma ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagpapaigting ng pagpapatupad ng katahimikan at kaayusan sa bansa.

Sa ilalim ng kanyang pamamahala, pinalakas ni Pangulong Duterte ang kampanya laban sa terorismo, kriminalidad at iligal na droga, kung saan mas pinaigting din ang pagkakaisa ng pamahalaan at taumbayan o ang ‘whole-of-a-nation’ approach para mapagtagumpayan ito.

Kaya naman para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte ay malapit na nating makamtan ang kapayapaan.

Aniya, ” Sa awa ng Dakilang Ama, malapit na nating makamtan yan. Kasi ang kapag ang taong namumuno sa atin ay kinakasihan ng Dakilang Ama sa langit, siguradong ang pagpapala ay bubuhos. At isa nang pagpapala yung longer lasting peace, long lasting peace na inaasam-asam ng bawat isa sa atin.”

Sa ngayon, mas pinalalakas pa ng Duterte administration ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng modernization program sa paglalayong matuldukan ang kriminalidad at terorismo sa bansa.

Dagdag pa rito, binuo rin ng gobyerno ang National Task Force-End Local Communist Armed Conflict  (NTF-ELCAC) na naglalayong wakasan ang problema ng insurhensya sa Pilipinas upang tuluyang matamo ang tunay na kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top