Connect with us

Pang. Duterte, umaasa na wala nang mangyayaring “Marawi-type siege” sa bansa

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na dodoblehin ng kanyang administrasyon ang pagsisikap nito upang mapabilis ang pagkumpleto ng mga proyekto para sa rehabilitasyon sa Marawi City.

National News

Pang. Duterte, umaasa na wala nang mangyayaring “Marawi-type siege” sa bansa

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na dodoblehin ng kanyang administrasyon ang pagsisikap nito upang mapabilis ang pagkumpleto ng mga proyekto para sa rehabilitasyon sa Marawi City.

“Let me take this opportunity to reassure the people of Marawi that the government is doing its best to expedite the completion of rehabilitation projects at the soonest time possible. We, in government, are strongly committed to bring back the city’s glory.”

Ito ang pahayag ng punong-ehekutibo kasabay ng paggunita ng ika-apat na taong anibersaryo ng kalayaan ng Marawi nitong Oktubre 16 na ginanap sa Rizal Park, Marawi City, Lanao del Sur.

Kasunod nito, umaasa si Pangulong Duterte na wala nang mangyayaring “Marawi-type siege” sa bansa.

“To the people of Marawi and to our kababayans, rest assured that this government, this administration remains steadfast in securing our nation against terrorism, violent extremism, and other lawless elements.”

Pinuri naman ni Pangulong Duterte ang tropa ng pamahalaan maging ang mga lokal para sa kanilang katapangan, sakripisyo, at determinasyon na ipagtanggol ang lungsod ng Marawi mula sa kamay ng mga teroristang Maute group.

Kinilala rin ng chief executive ang Task Force Bangon Marawi (TFBM), lokal na mga opisyal, at mga katuwang na nagkapit-bisig para sa rehabilitasyon ng lungsod.

Sambit pa ni Pangulong Duterte, ang pagsusumikap ng TFBM para mapagtagumpayan ang mga proyekto, programa, at aktibidad sa ilalim ng bangon marawi comprehensive rehabilitation and recovery program ay talaga aniyang kapuri-puri.

“It is my pleasure to join you today as we mark this historic occasion by allowing the rays of hope to light up the darkness that once enveloped the city of Marawi,”

“We will continue to foster cooperation among concerned stakeholders so that marawi will be able to build back better and stronger.”

Sambit ng chief executive, napaka-importante na muling itaguyod ang buhay ng mga residente ng Marawi na nawasak kasunod ng sagupaan sa syudad sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga terorista na nagsimula noong Mayo taong 2017.

Idineklara ng gobyerno na malaya ang lungsod ng Marawi mula sa Maute terrorist group noong Oktubre 2017, o 5 buwan matapos magsimula ang bakbakan.

Samantala, bilang myembro ng ahensya ng naturang task force na nilikha sa ilalim ng administrative order no. 3 na inilabas ni Pangulong Duterte noong Hunyo 28, 2017, nakiisa rin si Department of Public Works and Highways Acting Secretary Roger G. Mercado sa naturang okasyon.

Ang DPWH ang siyang nanguna sa pagpapatupad ng mga pambansang proyekto sa kalsada base sa pangkalahatang plano ng ahensya para sa rehabilitasyon at kaunlaran ng kalakhang Marawi.

Matatandaang una nang sinabi ni TFBM chairperson at Housing Secretary Eduardo Del Rosario na tinatayang nasa 30 proyektong pang-imprastraktura na ang nakumpleto sa lungsod.

Inihayag din ng TFBM chair na sisikapin ng task force na matapos ang lahat ng mga proyekto sa Marawi sa loob ng termino ni Pang. Duterte.

More in National News

Latest News

To Top