Connect with us

PDP-Laban member, sinabing posibleng mapatalsik si PRRD sa partido kung tatakbong VP sa 2022

Kinumpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang tinatanggap ang nominasyon ng PDP-Laban party para tumakbo sa 2022 national elections.

National News

PDP-Laban member, sinabing posibleng mapatalsik si PRRD sa partido kung tatakbong VP sa 2022

Posibleng mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sakaling itutuloy nito ang planong pagtakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa susunod na halalan.

Ito ang naging pahayag ni Rufina Pines Arcega, chairperson ng National Education Committee ng partido.

Binigyang-diin pa nito na kung may sumusuporta kay Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente ay marami din silang tutol hinggil dito kaya posibleng mapatalsik.

Ipinunto ni Arcega na iligal ang resolusyon na humihimok sa pangulo na tumakbo sa pagka-vice president.

Lalo pa aniya at binalangkas ang naturang resolusyon sa kasagsagan ng isang hindi otorisadong pulong sa Cebu noong Mayo.

Matatandaan na hati ngayon ang suporta ng PDP-LABAN sa pagitan ni Pangulong Duterte na siyang chairman ng partido at ng acting president nito na si Senator Manny Pacquiao.

Kamakailan lang ay tinanggal ng kampo ni Pacquiao ang tatlong matataas na opisyal ng partido na sina PDP-Laban Vice Chairman Alfonso Cusi, Secretary General Melvin Matibag at membership committee head na si Astra Naik dahil umano sa pagpapakita ng alyansa sa isang political party bukod sa PDP-Laban.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, ang executive vice chairman at dating president ng PDP-Laban sa mga miyembro ng partido na huwag dumalo sa national assembly na gaganapin sa ika-17 ng Hulyo.

Nakatakda din aniya silang magpatawag ng pagpupulong sa Setyembre.

Nauna namang sinabi ng Presidential Spokesperson Harry Roque na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa national meeting upang reresolbahin ang problema ng partido sa tamang paraan at dapat abangan ito ng taumbayan.

More in National News

Latest News

To Top