National News
Pang. Duterte, pinabulaanan na isinugod siya sa ospital matapos ang kanyang SONA
Ayon sa pangulo, nagtungo sila sa isang restaurant para maghapunan matapos ang higit dalawang oras na ulat sa bayan.
Binigyang diin din ng punong ehekutibo na maayos at malakas ang kanyang pangangatawan.
Umugong ang balitang isinugod sa ospital ang presidente nang namataan ang ilang tauhan ng Presidential Security Group (PSG) sa paligid ng medical city.
Para maniwala ang publiko na hindi na-ospital ang pangulo, nakipag-video call pa si senador bong go sa ilang taga-media upang patunayan na magkasama sila sa isang hapunan.