Connect with us

Pang. Duterte, pina-iimbestigahan na ang korupsiyon sa PhilHealth

5th SONA ni Pang. Duterte, asahang may dalang pag-asa – Sen. Bong Go

National News

Pang. Duterte, pina-iimbestigahan na ang korupsiyon sa PhilHealth

Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) ang umano’y malawakang korupsiyon at anomalya sa PhilHealth.

Sa memorandum mula sa Office of the President, inatasan ni Pang. Duterte si Justice Sec. Menardo Guevarra na bumuo ng task force o lupon para imbestigahan ang mga kontrobersiya sa PhilHealth.

Kabilang sa ipinag-utos ng pangulo ang pagsasagawa ng audit sa PhilHealth finances at lifestyle checks sa mga opisyal at empleyafo ng ahensiya.

Binigyan naman ng presidente ng 40 araw ang panel para maisumite sa OP ang kanilang findings at rekumendasyon kung saan kasama ang proposed legal actions laban sa opisyal o empleyado na mapapatunayang sangkot sa korupsyon.

Kasunod nito, sinabi ni Roque na ang bubuuing task force ay kinabibilangan ng Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, kasama rin si Undersecretary Jesus Melchor Quitain ng Office ng Special Assistant to the President, at Presidential Anti-Corruption Commission.

Dagdag pa ni Roque, habang gumugulong ang imbestigasyon, pwedeng magrekomenda ang panel sa punong-ehekutibo na magpatupad ng preventive suspension sa sino mang opisyal ng PhilHealth upang matiyak na walang sagabal sa naturang pagsisiyasat.

Sa loob ng 30 araw matapos ang pagkabuo, inaatasan ang panel sa pamamagitan ng Secretary of Justice (SOJ) na magsumite ng kanilang rekomendasyon at findings kasama na ang pagsasampa ng kaso sa sinumang mapatutunayang sangkot sa korupsyon at anomalya sa PhilHealth.

Ang hakbang ng Pangulo ay makaraang mabunyag ang alegasyon laban sa mga opisyal ng PhilHealth na umano’y nakapagnakaw ng P15 billion mula sa state health insurer sa pamamagitan ng ilang mapanlinlang na kapamaraanan.

Una nang inihayag ng Palasyo na hinihintay lamang ni Pangulong Duterte ang findings sa imbestigasyon at hindi ito mag-aatubiling sibakin ang mga opisyal ng Philhealth kapag mayroong malakas na ebidensiya laban sa mga ito.

More in National News

To Top