Connect with us

Pang. Duterte, pabor sa pagpapaliban ng contribution hike sa PhilHealth

Urong-sulong!Ito ang inihayag ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC hinggil sa pagbabayad ng (PhilHealth) sa kanilang utang sa panayam ng Sonshine radio.

National News

Pang. Duterte, pabor sa pagpapaliban ng contribution hike sa PhilHealth

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapaliban ng pagtataas ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng kontribusyon ng mga miyembro nito sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senator Christoper “Bong” Go, base sa napag-usapan nila ng pangulo ay sang-ayon naman itong ipagpaliban pansamantala ang pagtaas sa singil ng kontribusyon ng PhilHealth.

Ani Go, handa ang pangulo na pumirma ng kasunduan na magpapaliban sa pagtas ng kontribusyon o aprubahan ang dagdag na pondo ng PhilHealth upang maipagpatuloy nito ang mga serbisyo nito sa publiko.

Dagdag ni Go, gayunman, alam ng pangulo na kailangan ng batas upang maisakatuparan ang deferment at kailangan ring masiguro na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa taumbayan.

Sa kabila ng kontrobersya ng korapsyon sa PhilHealth ay napag-desisyunan nito na taasan ang kontribusyon ng mga miyembro nito na magsisimula ngayong buwan.

More in National News

Latest News

To Top