Connect with us

Pang. Duterte, naniniwalang magkakaroon ng ‘better Christmas’ ngayong taon

Inihayag ng pamahalaan na 'on track' ang Pilipinas sa pagkukumahog na makamit ang “better Christmas” ngayong 2021.

National News

Pang. Duterte, naniniwalang magkakaroon ng ‘better Christmas’ ngayong taon

Inihayag ng pamahalaan na ‘on track’ ang Pilipinas sa pagkukumahog na makamit ang “better Christmas” ngayong 2021.

Sa talk to the people address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, ibinahagi nito ang updates sa COVID vaccination ng bansa.

Nasa kabuuan na aniyang 50 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa.

Sa Metro Manila, nasa halos 77 % o mahigit 7.5 milyong mga indibidwal na ang fully vaccinated.

Batid naman ng presidente ang hamon na kinakailangan ng bansa na mas pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga pangunahing syudad at munisipalidad sa bansa.

“The challenge is now to further speed up our vaccination rollout, especially in the provinces, in the key cities and municipalities to achieve our target of at least 50 percent of the country’s target population by the end of the year. We are confident that the most, if not all, major cities in the country will be hit and even surpass this target before Christmas, sana.”

Tiwala rin ang punong ehekutibo na magiging masaya ang Pasko ngayong taon, kapag mas pinabilis pa ang vaccination na may kasamang pagsunod sa minimum public health standards.

“If we continue to ramp up the vaccination of our people, along with our consistent practice of mask — huwag pa rin ninyong tanggalin — hugas at iwas, and may the gradual resumption of our economic activities, then we can hope for a better and truly merry christmas. Bumababa ‘yung hawaan, simplehin na lang natin.”

Kinumpirma na rin ng Department of Health (DOH) na nagsisimula nang bumaba ang mga kaso ng coronavirus sa karamihan ng mga rehiyon habang nakakakita nilang paunti-unti rin ang pagbuti ng healthcare at ICU utilization rates.

Ayon kay Sec. Francisco Duque III, “Upang mas mapagbuti pa ang COVID-19 situation, patuloy ang aming panawagan na palakasin ang ating prevent, detect, isolate, treat, and reintegrate. At ang ika-anim po na humahaligi sa ating tugon sa pandemyang COVID-19 ay ang magpabakuna at lalong-lalo na ang pagpapaiksi ng ating detection-to-isolation time.”

Inihayag din ni Pangulong Duterte na bumaba ang bilang ng hawaan dahil sa bakuna, “So kakaunti ang hawaan kasi kakaunti naman ‘yung tao na hindi nabakunahan. So ‘yan ang magandang balita at palagay ko kung sumusunod lang kayo, dumadating naman ‘yung mga bakuna natin. Hirap na hirap tayo noon kasi wala naman tayong manufacturing company ng bakuna dito sa pilipinas at nakikipagagawan tayo ng bakuna sa ibang bayan.”

Kaugnay nito, inako na lamang ni Pangulong Duterte ang pagkakasala kung hirap man ang Pilipinas noon na makakuha ng COVID-19 vaccines.

Pero, aniya, sadyang wala siyang magagawa dahil lahat ng bansa ay nag-aagawan na makakuha rin ng suplay ng bakuna.

“Iyan ho ang nakabigay ng problema sa — sa akin. At kung mayroon man nagkasala diyan, aminin ko na lang kasi wala man rin akong magawa. Gusto kong bumili, wala naman akong mabilihan. At kung makipag-contest ako doon sa mga mayaman sa bilihan ng bakuna, eh talagang huli ako. So ‘yan ang dapat ninyong maintindihan.”

“Ngayon, kung kasalanan man ‘yan, eh walang iba diyan kung hindi ako na. Aaminin ko na ‘yan. Ako ‘yung nasa —nakaupo ngayon sa opisina ko, so dapat somebody has to, well, maski na ginusto ko man eh walang mabili. Mabuti’t na lang nagkaroon tayo ng kaunting pera.”

Una nang tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez na mayroong pera ang Pilipinas para pambili ng bakuna para sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, muling umapela si Pangulong Duterte sa publiko na magpaturok na ng COVID 19 vaccines, hindi bale kung anong brand man ito.

Giit ng chief executive, hindi lamang ito para sa proteksyon sa sarili, kundi maging sa pagprotekta sa komunidad para makabalik na sa normal na pamumuhay ang lahat.

More in National News

Latest News

To Top