Connect with us

Pang. Duterte, nanindigan na walang biniling overpriced PPEs ang pamahalaan

Pagpapaliwanagin ng Senado ang Department of Health (DOH) hinggil sa delayed na hazard pay at allowance ng mga health workers kesa sa COA Report.

National News

Pang. Duterte, nanindigan na walang biniling overpriced PPEs ang pamahalaan

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi sobra sa presyo ang mga biniling Personal Protective Equipment (PPE) ng procurement service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ito ang inihayag ni Pang. Duterte sa kanyang ulat sa bayan nitong Huwebes, ika-2 ng Setyembre.

Ayon kay Pangulong Duterte, mas mababa pa sa suggested retail price ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) ang biniling PPE ng PS-DBM sa mga panahong iyon.

Bukod pa rito, sinabi ng pangulo na dapat hindi ikumpara ang presyo ng mga surgical masks sa pag-uumpisa ng COVID-19 pandemic kaysa ngayon na stable na ang suplay ng mga PPE.

Ani Pangulong Duterte, sa mga panahon na iyon mahal ang presyo ng mga PPE kasi walang sapat na supply.

Sinabi pa ng pangulo na di hamak na mas mahal ang biniling PPE sa panahon ng Aquino Administration na umabot sa P3,500 ang presyo kumpara sa panahon ng may pandemya.

More in National News

Latest News

To Top