Connect with us

Pang. Duterte, nangakong bubuwagin ang katiwalian sa PhilHealth

Isinumite na ng DOJ kay Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Philhealth Task Force hinggil sa anomalyang kinasasangkutan ng (Philhealth).

National News

Pang. Duterte, nangakong bubuwagin ang katiwalian sa PhilHealth

Nangako si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tutugisin ang mga tiwaling opisyal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sinabi pa ng pangulo na walang dapat ipangamba ang mga matatapat na opisyal ng ahensiya.

“Kaya ako talaga ‘wag kayong magkakamali itong — itong PhilHealth. Sabi ko yayariin ko kayong lahat, maniwala kayo. iyong mga inosente naman, wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address sa Davao City.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, kung nakalusot ang mga tiwaling opisyal sa ibang nagdaang mga presidente, ‘di niya pahihintulutan sa kanyang administrasyon.

Ipinagmalaki rin ni Duterte ang kanyang mga cabinet members na sumusuporta at tumutulong para maayos ang sistema sa bansa.

“With the help of mga cabinet members ko, hindi na lang — hindi ko na lang ipagyabang but these are people also… simple lang. why? why are they really helping me to get rid of you? kung maaari lang patayin ka? alam mo bakit? because simply they love their country” saad ng pangulo.

Matatandaan na bumuo ng task force si Pangulong Duterte na tututok sa isyu ng korupsyon sa PhilHealth.

Samantala, Sinabi rin ni Atty. Larry Gadon  na may pananagutan din ang mga opisyal ng PhilHealth sa panahon ng Administrasyong Aquino.

Aniya, “Ang dapat na managot diyan, ‘di lamang itong sa administrasyon ni Presidente Duterte, at kinakailangan pa ring sumagot diyan, iyong panahon ni Noynoy Aquino.”

“ Sapagkat kung merong nanakaw na pondo ngayon, yan ay kapiranggot ‘yan kung ikukumpara mo doon sa administrasyon ni Noynoy Aquino”, dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Atty. Gadon, na sa panahon ni Sen. Risa Hontiveros nawala ang malaking halaga ng pondo sa PhilHealth.

Ayon sa mambabatas, “Panahon nila Risa Hontiveros, iyon talaga ang napakaraming pondo na nawala. Doon talaga nag–umpisa na maging imbudo ang pagkawala nung pera.”

“Ibig sabihin ng imbudo, napakarami nung pinasok tapos sabay labas sa butas sa ilalim.”

More in National News

To Top