Pang. Duterte, nanawagan sa mga paaralan na tumanggap ng installment na pagbabayad ng matrikula

National News

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga paaralan na tumanggap ng installment o hulugan na pagbabayad ng matrikula. Ito ay dahil sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kasunod ito ng pagsisimula ng enrollment ngayong Hunyo.

Sa televised public address ng Pangulo, nakiusap ito sa mga eskwelahan na payagan ang staggered payment ng tuition fee.

“Yung tuition (fee) ho sana, I hope you’d allow staggered payment or installment lang po sa mga eskwelahan.”

Sinabi pa ng Pangulo na makikiusap siya sa Landbank of the Philippines na tulungan ang mga magulang sa pang-tuition fee ng kanilang mga mag-aaral.

“Kasi itong Land Bank, bubuksan namin and you can borrow money to finance the education of your children. Lahat ito papunta ito sa talagang negative; meaning to say that we are hard pressed in our finances but we have to place the premium of education,” dagdag pa ng Pangulo.

Nabatid na nag-anunsiyo ang landbank ng landbank academe na isang lending program para sa implementasyon ng study now pay later ng mga unibersidad at pribadong mga paaralan.