Connect with us

Pang. Duterte, nakahanda nang magretiro sa 2022

Isinaad ni Pangulong  Rodrigo Duterte na mahirap  ang muling pagtakbo sa susunod na halalan bilang bise presidente.

National News

Pang. Duterte, nakahanda nang magretiro sa 2022

Isinaad ni Pangulong  Rodrigo Duterte na mahirap ang muling pagtakbo sa susunod na halalan bilang bise presidente.

Matatandaan na ang PDP-Laban kung saan tumatayong Chairman si Pang. Duterte ay nagpalabas ng isang resolusyon sa pangunguna ni PDP-Laban Vice Chairman Alfonso Cusi para hikayatin ang pangulo na tumakbo sa pagkabise presidente sa 2022  National Elections.

Nakalagay din sa naturang resolusyon na malaya ang pangulo na makakapamili kung sino ang gusto nitong  magiging pangulo sa kaniyang pagtakbo sa naturang posisyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa Sa ekslusibong panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Executive Pastor ng Kingdom Of Jesus Christ, baka masamain lamang ng mga kritiko sakaling siya ay tatakbo sa nasabing posisyon at mananalo.

Aniya, “Mahirap iyan Pastor kasi mag-retire na ako tapos this time ako ang mamili ng presidente, ‘pag manalo sabihin nila ano ko lang iyan, perpetuate yourself in power. So, magre-resist ako.”

Sa ngayon ayon sa pangulo ay nakahanda na ito magretiro pagkatapos ng  kaniyang termino sa taong 2022.

“Ako naman, I’m ready for retirement but if you ask me, what is my greatest achievement in  a very humble way; ako Pastor, I exposed the oligarchy in the Philippines na sinasabi ko na noon sa kampanya, iyang corruption iyang sa mga customs-customs, wala iyan sa taas,” saad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top