Connect with us

Pang. Duterte, naiinip na sa pagkaantala ng pagdating ng COVID-19 vaccine

Inihayag ng Malakanyang na naiinip na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa delay ng pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.

National News

Pang. Duterte, naiinip na sa pagkaantala ng pagdating ng COVID-19 vaccine

Inihayag ng Malakanyang na naiinip na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa delay ng pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Matapos naman ang pahayag na ito ng punong ehekutibo, naniniwala si Presidential spokesperson Harry Roque na magiging mabilis na ang proseso ng delivery ng mga bakuna.

Mababatid na posibleng maantala ang pagdating ng 117,000 doses ng Pfizer vaccines na naunang inaasahang darating sana ang unang batch nitong kalagitnaan ng Pebrero.

Nasorpresa si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. nang humingi ng bilateral agreement ang Pfizer kaugnay ng kanilang indemnification clause.

Habang ang 600,000 doses ng Sinovac naman na donasyon ng China ay posible ring maantala ang pagdating sa Pebrero 23 dahil wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

More in National News

Latest News

To Top