Connect with us

Pang. Duterte, nagbibiro lang nang iugnay ang kanyang pag-ubo sa cancer – Sec. Roque

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng publiko patungkol sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Pang. Duterte, nagbibiro lang nang iugnay ang kanyang pag-ubo sa cancer – Sec. Roque

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng publiko patungkol sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Sec. Harry Roque,” I do not have any information na dapat mag-alala tayo. Bagama’t ang last pagkita ko po sa Presidente online last Monday.”

Ang naturang pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ay makaraang ini-ugnay ng punong ehekutibo sa cancer ang kanyang bahagyang pag-ubo habang nasa joint meeting ng National Task Force and Regional Task Force to end Local Communist Armed Conflict noong Huwebes, ika-18 ng Marso.

Pero Giit ni Roque, ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay biro lamang.

“I would say, nagbibiro naman po iyong Presidente, kasi naubo nga po siya tapos sabi niya baka cancer na ito ‘no. So I think that is really a joke of the President and should not be taken to mean na may cancer talaga siya.”

Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na committed ang presidente na panindigan ang sinumpaan nitong katungkulan sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas na nagmamandato na isapubliko kung sakaling mayroon itong iniindang malala at seryosong sakit.

“Ang Presidente naman po ay abogado at susunod po siya sa Saligang Batas, kung mayroon siyang seryosong karamdaman, ipagbibigay-alam po niya iyan sa publiko.”

Matatandaang ibinunyag ng punong ehekutibo sa kanyang naging talumpati noong nakaraang taon na sinabihan siya ng kanyang doktor na ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus ay malapit na sa stage one cancer.

Pinayuhan din ang pangulo ng kanyang doktor noon na huminto na sa pag-inom ng alak upang hindi na lumala ang kanyang karamdaman.

Noong nakaraang taon din nang idinulog ng abogadong si Dino de Leon sa Korte Suprema na maglabas ng regular at official health bulletin si Pangulong Duterte.

Gayunpaman, dinismiss ito ng Supreme Court noong Mayo taong 2020.

Kaugnay nito, makailang beses na ring pinaninindigan ng Palasyo na malakas at malusog ng pangulo para gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin bilang presidente ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top