Connect with us

Pang. Duterte, nagbanta ng all-out offensive laban sa BIFF matapos ang engkwentro sa Datu Paglas

Pang. Duterte, nagbanta ng all-out offensive laban sa BIFF matapos ang engkwentro sa Datu Paglas

National News

Pang. Duterte, nagbanta ng all-out offensive laban sa BIFF matapos ang engkwentro sa Datu Paglas

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas ito ng katusan na all-out military offensive laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kapag hindi magawang makatulong ng mga lokal na opisyal na supilin ang anumang terrorism act ng nasabing grupo.

Inihayag pa ni Pang. Duterte na kapag nagbigay siya ng utos na all-out offensive, hindi na niya ito babawiin pa.

Sambit pa ng Presidente, hindi niya masikmura ang mga nangyaring patayan dulot ng mga armado at rebeldeng grupo na kadalasan nagaganap sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na dala ng kanilang galit sa mga local executive.

Kaya naman, ganoon na lamang kapurisigido ang Presidente na tapusin ang mga karahasan at dahas na dala ng grupong BIFF.

Ginawa ni Pang. Duterte ang panawagan matapos ang pag-atake ng mga miyembro ng BIFF sa Datu Paglas, Maguindanao nitong weekend.

Gayunpaman, sa kabila ng banta ng posibilidad na all out offensive plan, may pag-aatubili pa rin si pangulong duterte na gamitin ang naturang opsyon dahil mahal niya ang mga pilipino, muslim man o kristiyano at hindi niya gugustuhing magpatayan ang kapwa pilipino.

 

More in National News

Latest News

To Top