Connect with us

Pang. Duterte, magaling na pangulo; nakuhang kaibiganin ang China sa kabila ng pagiging kaalyado ng Amerika

Isang magaling na pangulo si Presidente Rodrigo Duterte. Ito ang inihayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa programa nito sa Sonshine Radio.

National News

Pang. Duterte, magaling na pangulo; nakuhang kaibiganin ang China sa kabila ng pagiging kaalyado ng Amerika

Isang magaling na pangulo si Presidente Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa programa nito sa Sonshine Radio.

Paliwanag ni Enrile, bukod sa maraming nagawa si Pangulong Duterte, nagawa rin nitong kaibiganin ang China. Kahit na kilala ang Pilipinas bilang kaalyado ng Amerika.

“Itong presidenteng ito eh..marami ring nagawa eh sa ating bansa. Unang-una marunong siya, na mag maneuver sa larangan ng politika, sa lebel ng mga bansa. Akalain mo na… na kaalyado ng Pilipinas ang Amerika. Alam niya yun, Pero nagawa niya na lumapit sa China at dahil dun marami siyang proyekto na, na parating sa Pilipinas “ saad ni Senator Enrile

At ito aniya ang dahilan kung bakit dumarami ang proyektong natatapos ng Build, Build, Build program ng Duterte Administration kaya saludo si Enrile sa accomplishment na ito ni Pangulong Duterte.

“Karamihan naman ng mga Build Build na ginagawa niyang yan eh karamihan niyan ang pera na inutang galing sa bansang China kaya ako ,  Ako saludo sa kanya “ saad ni Senator Enrile

More in National News

Latest News

To Top