Connect with us

Pang. Duterte, kinokonsidera ang sentimyento ng publiko sa usapin ng VFA

Iginiit ng Malakanyang na nakikinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa sentimyento ng mamamayang Pilipino lalo pagdating sa interes ng Pilipinas.

National News

Pang. Duterte, kinokonsidera ang sentimyento ng publiko sa usapin ng VFA

Iginiit ng Malakanyang na nakikinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa sentimyento ng mamamayang Pilipino lalo pagdating sa interes ng Pilipinas.

Ang pahayag ng Palasyo ay may kaugnay sa usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at bansang Amerika.

Pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagbabasa ng peryodiko, nakikinig sa mga komentaryo at nagtatanong si Pangulong Duterte kaugnay ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa ikabubuti ng bansa.

Banggit ng tagapagsalita ng Palasyo, kinokonsidera rin ng punong ehekutibo ang sentimyento ng mga tao sa anumang desisyon na kanyang gagawin.

Ipinunto rito ni Roque na napakamahal ng presyo na babayaran ng bansa sa presensiya ng mga Amerikanong sundalo at mga equipment dito sa bansa.

Ito ay dahil kapag nagkaroon ng putukan sa panig ng Estados Unidos at ng kanilang mga kalaban, ani Roque siguradong una pang mamamatay ang mga Pilipino kapag sila ay naririto sa Pilipinas.

Sa isang ulat sa bayan, humingi ng opinyon si Pangulong Duterte sa publiko kaugnay ng usapin hinggil sa Visiting Forces Agreement (VFA) dahil hindi pa makapagpasya ang presidente kung ipawawalang bisa o ire-renew ang nasabing bilateral deal.

Kasunod nito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na ibahagi ang kanilang pananaw at saloobin sa isyu ng VFA at inabisuhang ireport sa 8888 o sa Citizens’ Complaint Center.

Giit ng pangulo, hindi niya nililimitahan sa Kongreso lamang ang panindigan sa usapin ng VFA bagkus gusto rin niyang malaman ang masasabi rito ng sambayang Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top