National News
Pang. Duterte, ireresolba ang hidwaan sa WPS sa mapayapang paraan
Pinaninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) pero hindi sa paggamit ng dahas.
Ito ang iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque sabay sinabing hindi nagbabago ang posisyon ng pangulo batay sa naunang naging pahayag nito sa United Nations o UN General Assembly.
Punto ni Roque, iriresolba ng Pilipinas ang hidwaan sa China patungkol sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapang mga pamamaraan sang-ayon aniya sa UN Convention on the Law of the Sea.
Tiniyak din ng kalihim na hindi ipamimigay ng Pilipinas ang national territory at mga exclusive economic zone.
Pinaninindigan din ng Pilipinas ang arbitral decision na pabor sa bansa.
Kampante naman si Pangulong Rodrigo na dahil mayroong malapit na pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at China, ay mareresolba ang naturang hidwaan sa WPS.