makipag-giyera sa China

Pang. Duterte, ipinamamadali na ang pagpasa ng mga batas na tutulong sa bansa

National News

Ipinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng mga batas na magpapabuti sa kapakanan ng bansa.

Ito ay ayon kay Senator Imee Marcos sa panayam ng Sonshineradio.

Lalo na ngayon aniya na napakalaki ng naging dulot ng pandemya sa lahat ng sektor sa bansa.

Ayon kay Sen. Marcos, “Saksakan ng dami naming homework. Napakahaba ng listahan. Mahigit kumulang 30 ata yung sinasabing batas ni presidente at siya ay nagmamadali.”

“Papaano iilang taon na nga lang. Siguro, kulang-kulang dalawang taon na lang natitira sa kaniyang termino. Pinagpipilitan niyang matapos lahat. nadagdagan pa ng COVID.”

Samantala, ikinatuwa naman ni Marcos ang naging panawagan ng pangulo na tulungan ang mga Small, Medium Enterprise sa ika-5 SONA .

“Natuwa naman ako kay presidente na maraming tutulong sa ating mga SME. Sa Ilocos, maraming problema yung tourism and travel. Dahil nawalan ng negosyo yung mga maliliit na tour operator, yung tour guide. Natuwa naman sa mga zero percent loans. ayun, okay ‘yun” saad ng senadora.