Connect with us

Pang. Duterte, ipinag-utos na NBI lang ang mag-iimbestiga sa PDEA-PNP misencounter

Inihayag ng Malakanyang na tanging ang National Bureau Of Investigation (NBI) lamang ang mag iimbestiga patungkol sa putukan na nangyari sa pagitan ng mga myembro ng Philippine National Police(PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa lungsod ng Quezon.

National News

Ito ay batay sa kautusan na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon.

Sa isang anunsyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na matutuloy sa kanilang imbestigasyon ang naunang binuong joint panel ng PNP at PDEA para imbestigahan ang naturang insidente.

Una nang nagpahayag ng labis na pag-aalala si Pangulong Duterte sa naganap na fatal shootout sa pagitan ng mga police officers at ahente ng PDEA nitong Miyerkules.

Ipinangako naman ng pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang pagkasawi ng ilang indibiduwal sa shootout incident.

Kaugnay nito, inihayag naman ng NBI na agad nilang sisimulan ang imbestigasyon sa sinasabing misencounter ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth, Quezon City.

Nilinaw naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang imbestigasyon ng NBI ay parallel o hiwalay sa pagsisiyasat na gagawin ng ad hoc joint PNP-PDEA Board of Inquiry.

Tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) na patas ang imbestigasyon ng NBI at partikular na tutukuyin ang tunay na dahilan ng engkwentro na ikinamatay ng dalawang pulis at isang PDEA agent.

Sa pahayag ng PDEA ay may lehitimong operasyon ang kanilang mga tauhan sa Commonwealth kahapon at sa panig naman ng QCPD-District Special Operations Unit ay mayroong buybust operations sa lugar at lumitaw na mga taga-PDEA pala ang kanilang naka-transaksyon.

More in National News

Latest News

To Top