Connect with us

Pang. Duterte, inatasan na si SolGen Calida na sumulat sa COA para agad na i-audit ang PRC

National News

Pang. Duterte, inatasan na si SolGen Calida na sumulat sa COA para agad na i-audit ang PRC

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida na sumulat kay Commission On Audit (COA) Chief Michael Aguinaldo para agad na i-audit ang Philippine Red Cross (PRC) na pinaumunuan ni Senador Richard Gordon.

Ito mismo ang kinumpirma ni Pang. Duterte sa kanyang Talk to the people na iniere ngayong umaga.

Binatikos din ng pangulo si Gordon sa paniningil ng Red Cross sa mga tao para sa blood supply na galing sa mga blood letting o donasyon.

Nanindigan din ito hindi overpriced ang mga biniling pandemic supplies ng pamahalaan.

Patutsada pa ng presidente, hindi siya kagaya ni Gordon na kawatan at wala rin siyang red cross na ginagatasan araw-araw.

Una nang sinabi ng Malacañang na subject ng COA audit ang government funds na binayad sa PRC sa pagsagawa ng COVID-19 tests.

More in National News

Latest News

To Top